Iba’t ibang negosyo ang pinasisimulan ng ating mga kababayan. Katwiran ng marami, basta rin lang marangal at kikita ng kahit papaano na maipandadagdag sa mga gastusin ng pamilya ay okey sa kanila. Isa na rito ang pagnenegosyo ng itlog na maalat o mas kilala sa tawag na itlog na pula.

Narito ang ilang mga paghahanda para makapagsimula kayo ng ganitong negosyo. Para sa kaalaman ng lahat may komersiyal na paraan ng paggawa ng itlog na maalat na kung inyong matututunan ay kikita kayo ng pera na pinakamahalagang bagay sa isang nagnenegosyo.

Sa inasnang putik ibinabaon ang mga hilaw na itlog ng pato o itik sa loob ng ilang linggo (mahigit na isa hanggang dalawang linggo). Ilaga ang mga ito matapos hukayin mula sa putik.

Ang mga sumusunod na paraan ay higit na madali: Haluan ng maraming asin ang tubig na nasa kalderong malaki. Tiyakin ang sapat na dami ng tubig na mapaglulubugan ng lahat ng mga itlog. Pakuluan ang tubig. Hayaang lumamig.

Kapag lumamig na isa-isang isalansan ang mga itlog sa palayok o tapayang maluwang ang bibig o plastic na lalagyan. Ibuhos ang pinalamig na tubig na may asin. Kailangang nakalubog sa tubig ang mga itlog. Takpan at itabi sa isang sulok. Hayaan hanggang 14 na araw.

Paminsan-minsan, tingnan upang makita kung nakalubog ang lahat ng mga itlog sa tubig. Kung hindi, maaaring magpakulo uli ng pinaghalong tubig at asin at ibuhos sa mga itlog.

Kung ibig nang kainin, ilaga ang mga itlog. Maaaring kulayan ng pula kung nais. Itabi at kainin o iulam nang paunti-unti.

Kung ang target ninyo ay ilako ito o gawing negosyo. Maaaring ialok ito sa mga tindera ng itlog sa palengke. Ang ginagawa ng iba sila na mismo ang nagtitinda ng itlog na pula sa mga bahay-bahay.

(source: Abante Online)

===================

Balitang Pinoy / Philippine News mula sa Talakayan at Kalusugan
DWBL 1242 Mon-Fri 4to5pm
www.talakayanatkalusugan.com

No related content found.

Ipamahagi sa Madlang People:
  • Facebook
  • Twitter
  • LiveJournal
  • MySpace
  • В закладки Google
  • Google Buzz
  • LinkedIn
  • Reddit
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • del.icio.us
  • Digg
  • email
  • RSS
  • Tumblr
  • Yahoo! Buzz
  • Add to favorites
  • Live
  • PDF
  • Print

Comments are closed.

RSS feed for this post (comments)
Back to Front Page