Malaki ang posibilidad na maging bagyo ang low pressure area (LPA) na nasa silangang bahagi ng bansa.
Ayon sa ulat ng US Joint Typhoon Warning Center, nasa 90 porsiyento ang posibilidad na maging tropical depression ang naturang sama ng panahon ngayong araw.
Nitong umaga ay huling natukoy ang LPA sa layong 360 kilometro sa silangan ng Surigao City o 450 kilometro sa timog silangan ng Tacloban City.
Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 40 kilometro bawat oras habang umuusad pa hilagang kanluran sa bilis na 11 kilometro bawat oras kung saan tinatahak nito ang direksyon ng Samar-Leyte area.
Inaasahan na lalong pag-iibayuhin nito ang mga pag-ulan sa bahagi ng Visayas, Bicol at Southern Luzon lalo na nitong weekend na maaring hahantong sa biglaang mga pagbaha at pagguho ng lupa.
Samantala, patuloy pa rin ang epekto ng InterTropical Convergence Zone (ITCZ) sa bahagi ng Mindanao na siya ring dahilan ng madalas na mga pag-ulan sa lugar.
===================
Balitang Pinoy / Philippine News mula sa Talakayan at Kalusugan
DWBL 1242 Mon-Fri 4to5pm
www.talakayanatkalusugan.com

































